Lunes, Enero 2, 2017

          KASIGLAHAN AT KASIYAHAN SA KAPASKUHAN
                 
Image result for snoopy christmas wallpaper                Likas sa pamilyang Pilipino ang kasiglahan at kasiyahan tuwing sasapit ang kapaskuhan. Sa pamamagitan ng ating mga pasimpleng ngiti ay talagang mahihinuha na tayong mga pinoy ay talagang masaya. Ngunit sa kabila ng ating mga halakhak at tawanan , ay mayroong nakakubling hirap, mga hinagpis at pagdurusa na dinadama. Isang halimbawa na umuukol dito ay ang walang hanggang paghagupit ng mga bagyo na nagsisira sa mga kabuhayan , pamumuhay at ang pinakamasaklap sa lahat ay ang maagang paglisan ng ating mga minamahal sa buhay na nagdudulot ng kawalan ng pag-asa. Kahit pa man nanatiling malalim ang sugat ng kahapon, tayong mga pinoy ay hinding hindi nakakalimutang ipagdiwang ng buong puso ang kapaskuhan ng may kasiglahan at kasiyahan.
                 Ang mga nakalaang mga oppurtunidad ay ginagawang pagkakataon upang sila ay makaahon . Sa pamamagitan nito ay sana maghilum ng paunti-unti ang mga sugat at mga bakas ng kahapon pero kahit ano pa rin ang gawin nating mga pinoy ay mananatili pa rin ang pasa pero dahil sa pagsapit ng pasko, ang kasiglahan at kasiyahan ay nananaig sa kanilang puso at isipan. May iba naman na hindi na nakayanan na naging mitsa ng pagiging pariwara at lalong mapalayo sa inaasam sa pagbabago at muli't muling maaalala ng mga mahihinang taong ito ang kahindik-hindik na mga pangyayari sa kanilang buhay , pero pasko ngayon alalahanin nyo nalang ang mga magagandang alaala .
Related image                Sa pagsapit ng kapaskuhan o ang pagdiriwang ng kapanganakan ng tagapagligtas na si Jesukristo , ating damahin at pagnilayan ang kanyang isinakripisyo para sa ating buhay . Dapat bigyang buhay ang kasabihang magbigay at tumanggap. Ikaw ? Handa ka na bang magbigay at tumanggap? Sana nga ikaw ay handa na.Handa ng magbigay ng isa pang pagkakataon sa iyong sarili at sa iyong kapwa.Sana din ay handa kanang tumanggap sa kapatawaran na hinihingi ng iyong kapwa.Maging inspirasyon ka sana sa iyong kapwa na kahit anong mga yumanig na mga suliranin ay magiging mensahero ka ng panahong ito na binibigyang buhay ang kapanangakan ni Kristo . Dahil dito mas napapadama mo ang kasiglahan at kasiyahan tuwing kapaskuhan.Isaisip na ang lahat ng unos ay mayroong liwanag . Mas sasaya ka kung payapa ang puso at isip mo ngayong pasko.Ipagdiwang ang kapaskuhan na may kasiglahan at kasiyahan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento